Supreme Court ng PH at Japan, tinalakay ang digitalization ng court proceedings
Courtesy : Supreme Court PIO
Bumisita ang mga mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas sa Supreme Court ng Japan.
Iprinisinta ng Japanese Supreme Court Digital Promotion Section kina Chief Justice Alexander Gesmundo at iba pang miyembro ng delegasyon ng Pilipinas ang overview ng pag-unlad ng Japanese Supreme Court sa digitalization ng court proceedings.
Tinalakay din ni Gesmundo sa Japanese Supreme Court ang Strategic Plan for Judicial Innovation 2022-2027 na naglalaman ng innovation roadmap sa hudikatura ng Pilipinas.
Nagpalitan din ng insights sina Gesmundo at Japanese Chief Justice Saburo Tokura sa adoption ng teknolohiya sa mga korte sa kani-kanilang hurisdiksyon.
Nagkasundo ang dalawang mahistrado na ang pag-digitalize sa mga proseso sa korte tulad ng videoconferencing hearings ay malaki ang maitutulong sa mga archipelago gaya ng Japan at Pilipinas.
Moira Encina