Supreme Court spokesperson Atty. Theodere Te, pinagbibitiw ni Atty. Ferdinand Topacio ng Citizens Crime Watch

Nanawagan si Atty. Ferdinand Topacio ng Citizen’s Crime Watch kay Supreme Court  spokesman Atty. Theodore Te na magbitiw na ito sa posisyon.

Ito ay kasunod ng post ni Te sa social media account nito na “I dissent” noong Mayo 11 matapos bumoto ang Korte Suprema pabor sa Quo Warranto laban kay Maria Lourdes Sereno.

Iginiit ni Topacio na walang karapatan si Te na kontrahin ang desisyon ng Supreme Court at maghayag ng sariling opinyon nito sa kaso dahil siya ang tagapagsalita nito.

Ipinaalala ni Topacio kay Te na hindi sya ang tagapagsalita ng Chief Justice o ng minorya kundi ng buong Korte Suprema.

Sinabi pa ni Topacio na walang saysay na maging spokesperson si Te ng Kataas-taasang Hukuman kung hindi ito kaisa sa diwa ng Korte Suprema.

Kung hindi anya kaya ni Te na sundin ang desisyon ng institusyon na dapat kinakatawan nito ay magresign na lamang ito at sumama sa boss nito na si Sereno.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *