Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Burgos, Surigao Del Norte.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagyanig alas-11:20 ng umaga ngayong Linggo, June 6.
Natukoy ang sentro nito sa 29 kilometers Hilagang-Silangan ng Burgos at may lalim na 9 kilometro.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Ayon pa sa Phivolcs, walang inaasahang pinsala sa lindol ngunit may posibilidad ng aftershocks
Naramdaman din ang pagyanig sa mga sumusunod na lugar :
Intensity IV – Burgos and Sta. Monica, Surigao del Norttensity III – Dapa, San Isidro and General Luna, Surigao Del Norte
Intensity II – Hinunangan, Silago, Hinundayan, Southerm Leyte; Surigao City and Socorro, Surigao Del Norte
Instrumental Intensities:
Intensity II – Surigao City, Surigao Del Norte
Intensity I – Abuyog and Palo, Leyte