Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ngayong hapon
Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Surigao del Norte ngayong hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng pagyanig sa 24 kilometers Hilagang-Silangan ng bayan ng Burgos, alas-3:18 ng hapon.
May lalim ang lindol na 26 kilometers.
Naitala rin ang intensity at instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III – Surigao City; Rosario, Agusan del Sur
Instrumental Intensities:
Intensity III – Surigao City
Intensity II – Borongan City, Eastern Samar; Gingoog City, Misamis Oriental
Intensity I – Catbalogan City, Samar
Wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.