Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.9 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Surigao Del Norte ngayong umaga.
Naitala ang sentro ng lindol 13 kilometro southwest ng Surigao City, Surigao De Norte kaninang alas-8:08 ng umaga.
Sa panayam ng DZEC Radyo Agila , sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na naramdaman ang intensity 6 sa Surigao City; intensity 4 sa Limasawa at San Ricardo, Southern Leyte; intensity 3 naman sa San Juan at San Francisco, Southern Leyte at Surigao City; intensity 2 sa General Luna, Surigao del Norte; intensity1 sa Borongan, Eastern Samar at Palo, Leyte
Ang naramdamang lindol aniya ay maituturing na malakas na aftershock ng magnitude 6.7 quake nong February 10 , kung saan walong katao ang namatay at maraming nasugatan.
Nilinaw ni Director Solidum na posibleng makaranas pa ng mga aftershock subalit madalang ang pagitan na kung minsan ay maaaring sumulpot ang malalaki.
Batay sa initial report, mayroon ng naitalang mga sugatan na ang iba ay dinala sa Surigao Medical Center at Caraga Regional Hospital.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang assessment ng PDRRMC sa epekto ng naturang lindol.