Surigao del Norte,12 oras mawawalan ng suplay ng kuryente sa Abril 1
Makakaranas ng 12 oras na power interruption o pagkawala ng supply ng kuryente ang ilang Bayan ng Surigao del Norte sa susunod na Sabado, April 1.
Ito ay dahil sa nakatakdang maintenance activities sa distribution lines ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, partikular ang placer-Surigao 69 KV line.
Magsisimula ang mahabang brown out alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi sa Abril a-Uno.
Pinapayuhan ng NGCP ang publiko sa Surigao Del Norte na maghanda para hindi maperwisyo sa scheduled power interruptions.
Sisikapin ng NGCP na ibalik agad ang supply ng kuryente sa April 1.