Surprise inspection sa mga paaralan, malaki ang maitutulong upang maiiwas ang mga kabataang malulong sa ipinagbabawal na gamot
Maganda ang magiging epekto lalu na sa mga kabataan ng panukalang surprise inspection sa mga paaralan.
Sa panayam kay Philippine National Police Director General Oscar Albayalde, sa murang edad ng mga batang mag-aaral ay mamumulat na sila sa kapahamakang dulot ng ipinagbabawal na gamot hindi lamang sa kanilang kalusugan kundi maging sa buong komunidad.
Nauna nang nilinaw ni National Capital Regional Police Office o NCRPO Chief General Guillermo Eleazar na hindi mga pulis ang magkakalkal ng kagamitan ng mga estudyante kundi mga school faculties.
“What will happen sa ating bansa kung paglaki nila ay adik kaagad. Ito po yung iniiwasan natin”.
Audio Player
Ang panukala ng NCRPO na surprise inspection sa mga paaralan ay nag-ugat matapos matuklasan ang marijuana sa bag ng isang Grade 5 student sa isinagawang police operation.
===========
============