Suspect sa pagpatay sa isang Amerikano sa Caloocan City arestado
Arestado na ang suspect sa pagpatay sa isang Amerikano noong Lunes sa loob ng inuupahan nitong bahay sa PNR Compound Sangandaan Caloocan City.
Iprinesenta ng PNP Caloocan City ang suspect na si Romeo de Luna Jr. 23 years old o kilala sa alyas Bugoy na isang tricycle driver sa lugar, na naaresto sa isinagawang follow operation ng mga otoridad sa Brgy 64 Caloocan City.
Ayon kay Police Senior Superintendent Chito Bersaluna Chief ng Caloocan City Police ,sa naging pag usad ng imbestigasyon ng lalo pang nalaman ang naging sanhi o motibo ng suspect kung kaya sinaksak nito ang biktima.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon niyaya ang suspect na si Bugoy ng Amerikanong biktima na si James Budru na mag inuman sa kanilang bahay kasama ang iba pa.
Ng mismong araw ding iyon ay unang nagkakilala ang suspect at ang Amerikanong biktima.
Muling lumipas ang ilang oras nalasing na ang Amerikano gayundin ang suspect dito na nagsimula ang hindi inaasahang pangyayari.
Base sa salaysay ng suspect niyakap siya ni Budru upang tangkang halayin naging marahas na ito at sapilitan na ang ginagawa upang gawin niya ang gusto ng Amerikano kung kaya agad niyang nakuha ang kutsilyo at nasaksak ito.
Kilala ang biktimang kano sa lugar dahil sa nagpapaaral ito ng mga kapus palad na kabataan, labis ang pagtulong nito upang mapagtapos ang mga ito.
Matatandaang natagpuang duguan ang biktima sa inuupahan nitong bahay noong Lunes na walang suot na pang itaas at puno ng saksak nang ito ay matagpuan.
Kasalukuyan ng nakikipag ugnayan ang mga otoridad sa US embassy para sa ikauusad pa ng kaso.
Samantala kasalukuyan pa ring umuusad ang imbestigasyon ukol sa krimen.
Ulat ni: Earlo Bringas