Suspects sa Rent-Sangla scam, sinampahan pa ng karagdagang kaso

sangla1

Sinampahan ng karagdagang labing-walong reklamo ng PNP Highway Patrol Group Region sa DOJ ang mga suspek sa Rent-Sangla scam.

Ang reklamong large scale estafa ay inihain ng PNP-HPG Region 4-A matapos  na dumulog sa kanila ang labing walong biktima na mula sa Laguna, Bulacan, Angeles City, Nueva Ecija at Batangas.

Kabilang sa mga kinasuhan ng reklamong paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code in relation to Presidential Decree 1689 na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa ilang uri ng swindling at estafa sina:

-Rafaela Anunciacion

-Eleanor “Leah” Constantino Rosales

-Tychicus Historillo Nambio

-Jhennelyn Berroya

-Anastacia Montes Cauyan

-Eliseo Cortez

-Marilou V. Cruz at

-Sabina Torrea

Una rito, pinangakuan ang mga complainant ng mataas na buwanang kita ng mga respondent mula sa pagpapa-renta ng kanilang sasakyan.

Pero nadiskubre nila na ang kanilang mga sasakyan ay isinangla o ibinenta na sa iba ng hindi nila nalalaman.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *