Suspek sa pagpatay sa special assistant prosecutor ng Ombudsman na si Atty. Madonna Joy Ednaco-Tanyag, arestado na

Bandang ala sais kagabi ng maaresto sa Follow Up Operation ng mga tauhan ng QCPD sa Brgy Culiat ang barker na si Angelo Galvez Avenido.

Sya ang pangunahing suspek na itinuturong sumaksak at pumatay sa special assistant prosecutor ng Ombudsman na si Atty. Madonna Joy Ednaco-Tanyag.

Nakilala ang suspek sa pamamagitan ng kuha ng CCTV at sa tulong ng ilang nakasaksi sa krimen.

Nabawi sa suspek ang dalawang ID, pouch, cellphone at syam na libong piso na pag aari ng biktima.

Tanghali kahapon ng pagsasaksakin ang si tanyag sa loob kanyang kotse matapos bumili ng milk tea sa Barangay Vasra sa Quezon City.

Tatlong saksak malapit sa dibdib ang tinamo ng biktima na naisugod pa sa East Avenue Medical Center pero idineklarang dead on arrival.

Nagpasalamat naman ang asawa ng biktma sa mabilis na pagresolba sa kaso

Inulila ng biktima ang kanyang mister at ang panganay nilang anak.

Ipinagbubuntis na rin ng biktima ang pangalawa sana nilang anak.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na nakulong ang suspek nang higit sampung taon sa general santos city mula august 15, 2007 hangang feb 14, 2018 dahil sa kasong ilegal possession of dangerous drugs.

Matapos makalaya, may napatay daw ang suspek sa Gensan kaya ito lumuwas at nagtago dito sa Metro Manila noong March 30.

Pagdating dito nasangkot din ang suspek sa basagkotse at nakasuhan dahil ng pambubugbog sa kanyang kinakasama.

Isinailalim na sa booking procedure ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong roberry with homicide sa Quezon City prosecutors office.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *