Suspek sa text scam arestado sa entrapment operation
Arestado sa entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation, Philippine National Police Anti Cybercrime Group at National Telecommunications Commission sa pakikipagtulungan ng Globe Telecom, ang isang lalaki na nagbebenta ng GCash-registered SIM cards.
Ang suspek ay nakilalang si Mark Deo Antang, residente ng Camarin, Caloocan City.
Ang suspek, ay nahuling nagbebenta ng Globe at TM SIM cards na may verified GCash accounts.
Dahil dito, siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act.
Pinasalamatan naman ni Globe Group Chief Legal Counsel Froilan Castelo ang NTC sa pangunguna ni Commissioner Gamaliel Cordoba, ang NBI at PNP.
Sinabi ni Cordoba na isang malaking bagay ang pagkakaaresto kay Antang sa gitna ng pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa talamak na text scams.
Sinabi naman ni GCash chief risk officer Ingrid Berona na sana ay magsilbing babala ang pagkakaaresto kay Antang sa iba pang sangkot sa mga text scam.
Madelyn Moratillo