Suspended Mayor Alice Guo, ipinaaaresto na ng Senado
Ipina-aaresto na ng Senado ang suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Guo dahil sa hindi pagsipot sa imbestigasyon ng Senate Committee on Women and Family Relations, sa isyu ng mga krimen na may kaugnayan sa POGO sa Bamban, Tarlac.
Si Senator Jinggoy Estrada ang naghain ng mosyon para maipa-contempt at maisyuhan ng warrant of arrest si Mayor Guo alyas Guop Hua Ping.
Hindi sumipot si Guo sa pagdinig kahit paulit-ulit na itong inimbitahan ng Senado.
Batay sa kaniyang sulat sa komite, may banta umano sa kaniyang buhay at lumala umano ang kaniyang kalusugan dahil sa matinding stress na inabot sa imbestigasyon ng Senado.
Pero hindi ito kinagat ng mga senador dahil ang kaniyang sulat ay walang kalakip na medical certificate o anumang medical records.
Ito na ang ikalawang beses na inisnab ng alkalde ang imbestigasyon ng Senado.
Bukod kay Mayor Guo, ipina-aaresto na rin ng Senado ang kaniyang mga magulang at kapatid na sina Lin Wen Yi, Guo Hua Ping, Jian Zhong Guo, Seimen Go, Shiela Go, at Wesley Guo.
Kasama rin sa mga ipina-aaresto ang accountant ng suspendidong alkalde na si Nancy Gamo at incorporators ng kompanya na sina Dennis Cunanan at Chona Alejandre.
Pahayag ni Estrada, “I suggest that she attended by a government doctor para siguro malaman natin ang buong katotohanan. This letter of explanation is totally unacceptable therefore I would like to move that we issued a warrant of arrest against Mayor Guo, for her to attend the next hearing. I so move Madame Chair.”
Samantala, ipina-subpoena naman ng Senado ang labinlimang iba pang personalidad na pawang incorporators at iba pang may kaugnayan sa Lucky South 99 na nago-operate sa POGO sa Bamban.
Ito ay sina Jaimielyn S. Cruz, Roderick Paul B. Pujante, Juan Miguel Alpas, Katherine Cassandra Ong, Alberto Rodulfo “AR” dela Serna, Jonathan Mendoza, Ronelyn B. Baterna, Michael Bryce B. Mascarenas, Stephanie Mascarenas, Rodrigo A. Banda, Jing Gu, Xiang Tan, Daniel Salcedo, Jr., Chona A. Alejandre at Duanren Wu.
Iprinisinta naman ng NBI ang kanilang ginawang pag-aaral sa mga fingerprint ni Mayor Guo na tumutugma sa Chinese national na si Guo Hua Ping.
Sinabi ng NBI na hindi magbabago ang fingerprint identification ng isang tao kahit pa tumanda na ito, kaya walang duda na ang alkalde at si Guo Hua Ping ay iisa.
Sa impormasyon ng Buresu of Immigration, nasa bansa pa si Mayor Guo at mga kapatid nito na sina Shiela, Seimen at Wesley, pero ang mga magulang na sina Lin Wen Yi at Jian
Meanne Corvera