Suspensiyon ng Russia mula sa UN Rights Council hihilingin ng US at Britanya
Inanunsiyo ng Estados Unidos at Britanya ang planong hilingin ang suspensiyon ng Russia mula sa UN Human Rights Council, kasunod ng mga alegasyon na sistematikong isinagawa ng Russian troops ang pagpatay sa mga sibilyan sa Bucha, Ukraine.
Nakasaad sa tweet ni US ambassador to the United States Linda Thomas-Greenfield . . . “The images out of Bucha and devastation across Ukraine require us to now match our words with action. We cannot let a member state that is subverting every principle we hold dear to continue to participate.”
Ayon sa US, ang botohan para sa suspensiyon ng Russia ay maaaring mangyari sa Huwebes.
Ayon naman sa British Foreign Secretary na si Liz Truss . . . “Given strong evidence of war crimes, including reports of mass graves and heinous butchery in Bucha, Russia cannot remain a member of the UN Human Rights Council. Russia must be suspended.”
Ikinagalit naman ito ng Russia. Sinabi ni Vassily Nebenzia, Russian ambassador sa UN . . . “This is unbelievable. What the West is trying to do with Russia, trying to exclude it from multilateral forums we are having in the world… this is unprecedented. This will not facilitate or encourage or be helpful to what is happening between Russian and Ukrainians in peace talks.”
Nitong nakalipas na linggo, nakakita ang mga mamamahayag ng mga bangkay na naka-sibilyan, na ang ilan ay nakagapos, sa bayan ng Bucha sa labas ng kapitolyo ng Ukraine makaraang muli iyong mabawi ng Kyiv mula sa Russian army.
Sinabi ni Bucha Mayor Anatoly Fedoruk, na karamihan ay binaril sa likod ng ulo.
Ang lawak ng pamamaslang ay ini-imbestigahan pa, nguni’t sinabi ni Ukrainian prosecutor general Iryna Venediktova na 410 civilian bodies na ang narekober.
Wika ni UN human rights chief Michelle Bachelet, ang mga larawan mula sa Bucha ay nagpapakita ng posibilidad ng “war crimes.”
Itinanggi naman ng Kremlin na pumatay ng mga sibilyan ang Russian forces, at nagparatang na ang mga larawan ng mga patay na katawan sa Bucha ay “peke.”
Ang suspensiyon ng Russia mula sa council ay mangangailan ng 2/3 votes ng UN General Assembly na pabor dito. Ang katulad na aksyon ay ginawa na noon sa Libya.
Ayon kay Thomas-Greenfield . . . “Russia should not have a position of authority in that body, nor should we allow Russia to use its seat on the Council as a tool of propaganda to suggest they have a legitimate concern about human rights. Our expectation is to do it as soon as possible – this week, and possibly as early as Thursday.”
Dagdag pa niya . . . “It’s more than symbolic, and it does have force because it continues what we have started, and that is to isolate Russia and to call them out for what they’re doing. Russia had pushed a narrative that what they’re doing is normal. This is not normal. They will hear from the entire world that we will not continue to allow their misinformation, their propaganda to be used in – on a UN platform.”