Suspensyon ng MRT operations simula October 31, Ipinagpaliban
Ipinagpaliban muna ng Metro Rail Transit ang nakatakdang suspensyon sa operasyon ng MRT 3 na nakatakda sana bukas October 31 hanggang November 2.
Sa abiso ng Department of Transportation o DOTr ,itoy bilang pag-iingat sa posibleng land fall ng malakas na Bagyong Rolly na maaring umabot sa signal number 4.
Layon nitong ma-protektahan ang mga manggagawa ng MRT-3 na magiging bahagi ng mga gagawing aktibidad sa mga nasabing petsa.
Nakatakda sanang isaayos ang 34.5 kilovolt alternating current switch gear sa depot NG MRT at mga turnouts sa Taft Avenue station.
Sinabi pa ng DOTr, magbibigay sila ng mga abiso kung kailan matutuloy ang weekend shutdown.
Dahil dito , magpapatuloy ang operasyon ng tren sa mainline mula bukas hanggang lunes.
Meanne Corvera