Suspensyon ng trabaho sa SC hanggang March 16 pa; Oral Arguments sa Anti- Terror Law, kanselado rin
Suspendido pa rin hanggang Martes, Marso 16 ang trabaho sa Korte Suprema.
Sa panibagong Memorandum Circular na inisyu ni Chief Justice Diosdado Peralta, pinalawig hanggang March 16 ang suspensyon ng pasok para ipagpatuloy ang disinfection at paglilinis sa ibat-meeting, schedule,ibang gusali at tanggapan sa Supreme Court.
Sinabi na matapos ang konsultasyon sa mga mahistrado at mga hepe ng mga opisina sa SC ay napagkasunduan na kailangan ng dagdag na araw para lubos na maisagawa ang sanitation sa buong Korte Suprema upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Kaugnay nito, muling kanselado ang ikalimang araw ng oral arguments na itinakda sa March 16.
Tuloy naman ang court sessions sa pamamagitan ng videoconferencing.
Maaari namang ituloy ang scheduled meetings ng mga komite sa SC depende sa diskresyon ng chairperson o pinuno nito.
Otorisadong pumasok ang mga on-duty personnel ng Medical and Dental Services, Security and Maintenance Divisions, at Office of Administrative Services mula March 15 hanggang 16.
Tuloy naman ang flag raising ceremony ngayong Lunes sa Rizal Park gaya ng naunang iskedyul pero mahigpit na ipatutupad ang health protocols.
Mula March 17 hanggang 19 obligado ang lahat ng mga tanggapan sa SC na magkaroon ng 50% skeleton force para masunod ang six feet na Physical distancing.
Moira Encina