Susunod na bar exams, susubukan ng SC na idaos sa Nobyembre
Kung ang susunod na Bar Exams Chairperson ang tatanungin na si Justice Alfredo Benjamin Caguioa, nais nito na isagawa sa Nobyembre ang susunod na pagsusulit.
Sinabi ni Caguioa na susubukan nila na idaos ang bar exams ngayong taon sa Nobyembre gaya ng nakagawian bago magkaroon ng pandemya.
Ayon kay Caguioa, sinusubukan nila na bumalik sa normal ang pagsasagawa ng pagsusulit.
Pero “wait and see” pa rin aniya sila sa magiging petsa ng bar exams dahil pa rin sa COVID-19.
Una nang binanggit ni Caguioa na ang eksaminasyon ay idaraos sa apat na non-consecutive days sa loob ng dalawang linggo.
Ipagpapatuloy rin aniya ang digitalized na bar exams at 24 bar examiners din ang kukunin para sa 2022 Bar Exams.
Inihayag ni 2020/2021 Bar Chair at Justice Marvic Leonen na nakatulong ang 24 bar examiners sa nakalipas na pagsusulit para mapabilis ang checking ng exams at paglalabas ng resulta.
Moira Encina