SUV nahulog sa irigasyon, 7 bata at 6 na iba pa, patay
Patay ang labing-tatlo katao na karamihan ay mga bata habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos mahulog sa irrigation canal ang isang SUV sa Barangay Bulo, Tabuk City, Kalinga.
Ayon sa Kalinga Provincial Police Office, labing-lima ang pasahero ng black SUV na may plakang AAK 9184 at patungo sa Bulo lake nang maganap ang insidente.
Labing-dalawa sa mga biktima, kabilang ang pitong bata ay isinugod sa Mejia Kim Medical Center sa Barangay Agbannawag, ngunit lahat ay idineklara ng pagamutan na “Dead On Arrival”.
Dalawa naman sa mga pasahero ang itinakbo sa Kalinga Provincial Hospital subalit nasawi rin nang makarating sa naturang pagamutan.
Dagdag ng pulisya, minamaneho ang SUV ng isang Soy Lope Agtulao ,36 taong gulang ,miembro ng Tadian Mt. Province BJMP nang maganap ang insidente.
Sa labing-limang pasahero, labing-tatlo ang nalunod na kinabibilangan ng pitong bata.
Kinilala ng mga kaanak ang mga namatay na sina; 1.) Soy Lope Agtulao – 36 y/o, driver ng SUV
2.) Sidewyn Agtulao – 6 y/o
3.) Sywin Agtulao – 4 y/o
4.) Sonnie Lope – 22 y/o
5.) Jessibel Paycao – 27 y/o
6.) Scarlet Paycao – 3 y/o
7.) Judilyn Talawek Dumayon – 32 y/o
8.) Alfredo Cotit Lope – 59 y/o
9.) Remedios Longey Basilio – 59 y/o
10.) Sedarn Talawek Dumayon – 4 y/ o
11.) Jeslkyn Talawek Dumayon – 4 y/o
12.) Marlo Gel Pereña – 6 y/o
13.) Ezverdcrick ” Cydric ” Basilio Paycao – 4 y/o
Dalawa naman ang nakaligtas na nasa pagamutan pa at nakilalang sina Cyrel Lope Agtulao – 10 y/o at Edith Andiso Perez – limang taong gulang.
Overloading ang nakikitang dahilan kaya nawalan ng balanse o kontrol sa sasakyan ang driver na nauwi sa aksidente.
Freddie Rulloda / Baguio City Correspondent