Suweldo ng mga apektadong Boracay workers, naipamahagi na ng DOLE
Naibigay na ng Department of Labor and Employment o DOLE ang sahod ng unang batch ng mga manggagawa sa Boracay na benepisyaryo ng Emergency Employment program ng kagawaran.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kabuuang 5.6 million pesos ang pondo na inilabas ng DOLE bilang kabayaran sa sweldo ng 1,420 manggagawa mula sa informal sector at mga katutubo na apektado ng pagsasara ng isla.
Limampu’t pitong mga myembro ng Ati tribe ang tumanggap ng 4,852.50 pesos bawat isa.
Habang ang nalalabing benepisyaryo ay tumanggap ng sahod sa pamamagitan ng money transfer.
Pinangunahan ni Bello ang pagbibigay ng sweldo sa mga manggagawa.
Ulat ni Moira Encina