Suweldo sa pagtuturo, ipinambayad ng maybahay ni BBM sa mga gastos sa bar exams ng mga estudyante nito
Ikinuwento ng asawa ni presidential candidate Bongbong Marcos Jr. na si Atty Liza Araneta-Marcos na inilaan nito ang kanyang suweldo sa pagtuturo para sa mga gastusin sa bar exams ng mga estudyante.
Sinabi ni Mrs Marcos na hindi niya tinatanggap ang kanyang sahod sa pagtuturo at sa halip ito ay ginagawang “puhunan” para sa bar exams ng mga mahihirap niyang estudyante.
Doon aniya kinukuha ang pambayad para sa pagkain, hotel accomodation, at pamasahe ng kanyang mga law students kapag sila ay kumuha ng bar exams.
Sinabi rin ng maybahay ni BBM na nagbigay din siya ng libreng access sa photocopying machines para sa pagpaparami ng kopya ng mga bar tips at reviewers nang malaman na walang pambayad ang mga estudyante nito.
Si Mrs.Marcos ay nagturo ng law subjects sa iba’t ibang paaralan gaya sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Far Eastern University, Northwestern University, Mariano Marcos State University, at Saint Louis University sa Baguio City.
Madelyn Moratillo