Sweldo ng social workers isinusulong na maitaas
Nais ni Senador Lito Lapid na itaas ang sweldo ng mga social worker na naglilingkod sa mga tanggapan ng gobyerno.
Naghain na ng panukala si Lapid para paamyendahan ang Republic Act No. 9433 O Magna Carta for Public Social Workers.
Sa panukala , itataas sa Salary grade 13 ang sweldo ng mga social worker.
Katumbas ito ng 29,798 kada buwan sa itinakda ng Salary Standardization Law of 2022.
Giit ni Lapid ang mga social worker ang katuwang ng gobyerno sa paglaban sa pandemya.
Madalas aniya nalalagay rin sa panganib ang kanilang buhay at kalusugan kaya tama na bigyan sila ng pagkilala sa pamamagitan ng dagdag na sweldo at iba pang benepisyo.
Meanne Corvera