‘Swifties’ sumugod sa mga sinehan para sa record-breaking ‘Eras’ film
Sumugod ang fans ni Taylor Swift na nakasuot ng friendship bracelets at kumikinang na cowboy boots, sa maagang pagpapalabas ng concert film ng pop megastar sa mga sinehan sa magkabilang panig ng Estados Unidos nitong Huwebes.
Ang film version ng ongoing at record-setting world tour ng singer na “Taylor Swift: The Eras Tour” ay inaasahang magiging isa sa pinakamalaking pelikula ng taon.
Hindi na nasunod ang karaniwang “cinema etiquette,” dahil ang multiplexes gaya ng AMC ay hinimok pa ang mga manonood na sumayaw, kumanta at kahit pa nga kumuha ng selfie sa buong panahon ng palabas.
Fans gather outside the “Taylor Swift: The Eras Tour” concert movie world premiere at AMC The Grove in Los Angeles (AFP)
Kinunan sa panahon ng tatlong kamakailan ay “sold-out” Los Angeles shows ni Swift, ang pelikula ay walang interviews, commentary o behind-the-scenes footage.
Sa halip, ito ay ginawa upang akitin ang fans na hindi na nakabili ng tiket para sa aktuwal na concert, o kaya naman ay nais na muli iyong masaksihan nang mas malapitan at kasama ng katulad nilang Swifties.
Sa concession line bago ang unang screening sa Century City, isang pares ng teenage girls ang dumating na may dalang bag na puno ng friendship bracelets, na kanilang ipinamigay sa kapwa nila Swifties.
Ang makukulay na beaded accessories ay naging pangunahing bahagi ng “Eras” fandom, kung saan ang concertgoers ay gumagawa at nakikipagpalitan ng bracelets na nagtataglay ng mga reperensiya ng paborito nilang Swift lyrics at quotes.
Nangako pa nga ng Midwest-based Marcus Theatres na maglalagay sila ng “friendship bracelet making stations” sa kanilang sinehan.
A tub of popcorn in US singer Taylor Swift’s merchandise is pictured during the “Taylor Swift: The Eras Tour” concert movie world premiere at AMC Century City theatre (AFP)
Halos lahat ng nanood sa Century City nitong Huwebes ay nakapanood na ng live concert, at marami ang nagpaplanong muling manood sa multiplex.
Ang tinatayang magiging domestic opening weekend box office nito ay hanggang $150 million – isang record para sa isang concert film, at ito ay inihahambing sa nagrereyna pa rin hanggang ngayon na smash hit movie na “Barbie.”
Ang concert film ay ngayong Biyernes pa dapat ipalalabas, ngunit inanunsiyo si Swift noong Miyerkoles na dahil sa “napakalaking demand” kaya ang preview screenings ay sisimulan na ng mas maaga ng isang araw.