Syrian lider sinisi ng US sa madugong chemical attack
Isinisi ng White House kay Syrian lider Bashar al-Assad ang naganap na chemicial attack na ikinasawi ng 58 katao sa North-West Syria.
Tahasang sinabi ni U.S President Donald Trump na walang dapat na sisihin kung hindi ang gobyerno ng Syria.
Ayon naman kay US Secretary of State Rex Tillerson makikita kung paano mag-operate si Bashar al-Assad kung saan naging brutal ang atake.
Kinondina ng United Kingdom, United Nations, France at iba pang mga bansa ang nasabing atake na itinuturing na pinakamadugong chemical attacks sa nagaganap na civil war sa Syria.
Please follow and like us: