Mga Residente ng Pulo sa Taal, Pinalikas Dahil sa Pagtaas ng Seismic Activity sa Bulkan
Sinundo ng mga bangka ng Philippine Coastguard ang mga nakatira sa Pulo o Taal Island dahil sa muling pagtaas ng seismic activity ng Bulkang Taal.
Ang lugar ay nakapaloob sa “permanent danger zone” ng bulkan kung kayat kailangang isagawa ang paglilikas kahit mga senyales pa lamang ng pag-aalburuto ng bulkan ang naitatala ng Phivolcs.
Sa tulong ng PNP Talisay, BFP Talisay, at MDRRMO, ipinaliwanag ng PCG sa mga residente ng Taal Island ang sitwasyon upang kumbinsihin silang iwanan muna ang kanilang mga tahanan.
Naitala ang pagtaas ng aktibidad ng bulkan simula Lunes, ika-15 ng Pebrero 2021.
Ininspeksyon din ng mga awtoriad ang paligid ng isla para makapagsagawa ng karagdagang precautionary measure kung kinakailangan sa mga susunod na oras at araw.