Taal Volcano, nagbuga ng pinakamataas na Sulfur Dioxide kahapon -PHIVOLCS

Nasa kabuuang 11 thousand, 449 tonnes ng Volcanic Sulfur Dioxide ang ibinuga ng Taal Volcano mula sa main crater nito kahapon, Huwebes, November 9.

Ayon sa PHIVOLCS, ito na ang pinakamataas na Sulfur Dioxide na ibinuga ng Bulkan ngayong taon.

Gayunman, wala namang naobserbahang Volcanic Smog o Vog na inilabas ang Caldera ng Taal sa maghapon.

March 2021 nang makapagtala sa Taal ng tuluy-tuloy na paglalabas ng mataas na concentrations ng Volcanic SO2 na nasa average na higit 5 thousand tonnes per day.

Patuloy ang paalala ng PHIVOLCS sa publiko na nasa Alert Level 1 pa rin ang Taal Volcano na nangangahulugang abnormal pa rin ang kundisiyon nito.

PHIVOLCS

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *