Taas presyo sa ilang produkto, Aprubado ng DTI
Inaprubahan ng Department of Trade and Industry o DTI ang panibagong taas-presyo sa ilang produkto.
Nasa siyam na grocery items ang nagkaroon ng taas-presyo batay sa bagong Suggested Retail Price list mula sa DTI.
Sinabi ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles na huling tumaas ang presyo ng mga nasabing produkto noong 2018, kaya tama lang ang hininging price increase.
Habang ang ilang brands ay nagtataas ng presyo, may ilan din ay nagbabawas ng nilalaman o timbang ng kanilang produkto o ang tinatawag na shrinkflation.
Bumaba ang Inflation sa 3.9% noong December 2023 matapos tumaas sa 8.7 noong January 2023.
Please follow and like us: