Taas sa singil sa kuryente ng Meralco sa pagpasok ng 2023 nakaamba na ayon sa ERC
Pinaghahanda na ng Energy Regulatory Commission o ERC ang publiko sa pagtaas ng singil sa kuryente sa pagpasok ng susunod na taon.
Ito ay para sa mga consumer ng Manila Electric Company o MERALCO na naapektuhan ng Temporary Restraining Order o TRO ng Court of Appeals sa pagitan ng kasunduan sa South Premier Power Corporations.
Maliban pa ito sa napipintong implementasyon na ng recovery charge ng mga power generators sa pinal na desisyon ng Korte suprema noon pang 2013 na kailangan ng ipatupad sa susunod na taon.
Sinabi ni Energy ERC Chairperson Atty.Monalisa Dimalanta inaantabayanan na nila ang kopya ng emergency power supply agreement ng meralco sa GN power.
Ayon kay Dimalanta kung walang kaakibat na iba pang bayarin at makakasingil ang MERALCO sa south premier power corporations ay puwedeng hindi tumaas ang singil sa kuryente.
Inihayag ni Dimalanta sinisikapin ng erc na maantala pa hanggang sa second quarter ng 2023 ang implementasyon ng desisyon ng Korte suprema noong 2013 ang panahon na nagkaproblema ang malampaya natural gas at upang hindi makapaaekto sa suplay ng kuryente ay sinalo ito ng mga power generation companies.
Vic Somintac