Tinapos na ng DOJ panel of prosecutors ang preliminary investigation sa 26.93 billion pesos na reklamong tax evasion na isinampa ng BIR laban sa cigarette company na Mighty Corporation. Ito ay matapos maghain ng rejoinder ang Vice President for External Affairs and Assistant Corporate Secretary ng Mighty na si Alex Wongchuking sa tugon ng BIR sa kahilingan ng kumpanya na ibasura ang reklamo. Ang ikalawang tax case ay nag-ugat sa raid sa warehouse ng Mighty sa San Ildefonso, Bulacan noong March 24 kung saan nakumpiska ang bilyun bilyong piso ng sigarilyo na may pekeng tax stamps. Una nang tinapos ng DOJ ang pagdinig sa isa pang tax evasion case sa Mighty na nagkakahalaga naman ng 9.56 billion pesos. Ulat ni : Moira Encina
Tinapos na ng DOJ panel of prosecutors ang preliminary investigation sa 26.93 billion pesos na…