Taguig City, mas pinaigting ang kampanya kontra paninigarilyo

Mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaang lunsod ng Taguig ang mas pinalakas na anti-smoking drive sa buong lunsod.

Sa ilalim ng City Ordinance No. 65 Series of 2007, mahigpit na ipagbabawal ang paninigarilyo kabilang ang vaping o paggamit ng E-Cigarettes, Electronic Sisha at iba pang devices.

Pinapayuhan rin ang publiko na umiwas sa paninigarilyo lalu na sa mga public places gaya ng mga youth activity centers kabilang ang mga playgrounds at iba  pang recreational places; mga paaralan kabilang ang mga unibersidad at kolehiyo (loob at labas ng campus at malapit dito); mga elevators at stairwells; gas stations at iba pang hazardous places; hospitals, dental clinics, labortatories, pharmacies, nursing homes at mga kaparehong lugar.

Ipinagbabawal din ang paninigarilyo sa mga Public at Private transportation systems, Restaurants, mga paliparan, terminals maliban na lamang sa mga itinalagang Smoking areas; Food preparation areas at Government institutions.

 

Inabisuhan din ang mga tindahan at groceries na huwag magpapaskil ng mga billboards, printed materials at iba pang advertisements  na nang hihikayat ng  paninigarilyo.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagbebenta sa mga menor de edad ng anumang produktong tabako kabilang ang e-cigarette. Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay papatawan ng mabigat na parusa.

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *