Taguig City may “Libreng Hatid at Sundo” sa mga maysakit
Naglunsad ng transport service ang pamahalaang lungsod ng Taguig, para sa mga pasyenteng magpapa-chemotherapy o radiotherapy, gayundin sa senior citizens, buntis at person with disability o PWDs, na kailangang magpa-check up at iba pang nangangailangan ng medical treatment na hindi emergency case sa Taguig, o sa iba pang lungsod sa Metro Manila.
Ang naturang inisyatibo ay ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Taguig, upang tumugon sa pangangailangan ng transportasyon para sa mga maysakit na walang sariling sasakyan.
Para maka avail sa nabanggit na serbisyo, magtext sa numerong 0961-734-0834 dalawang araw bago ang takdang schedule ng check up o medical sessions.
Ulat ni Virnalyn Amado