Taguig City Mayor Lino Cayetano nagpabakuna na rin
Nagpabakuna na rin si Taguig City Mayor Lino Cayetano, sa kanilang mega vaccination hub sa lakeshore Taguig na sakop ng Barangay Lower Bicutan.
Ito’y matapos payagan na ng National Government ang mga lokal na opisyal gaya ng mga alkalde, sa mga lugar na itinuturing na critical zone, na mabakunahan na rin laban sa COVID-19.
Sinovac vaccine ang ibinakuna ni Dra. Cecile Montales kay Mayor Cayetano, at maging sa frontliners, senior citizen at adult with comorbidities.
Si Dra. Cecile Montales, ang head ng Taguig City Health Office.
Hinikayat naman ni Mayor Cayetano ang mga taga Taguig na magparehistro na sa pamamagitan ng Taguig Registry Acces And Citizen Engagement (TRACE), para sa bakuna.
Ayon sa alkalde, may parating na mga bakuna galing sa National Government at inaasahan na ito ay ang AstraZeneca, Covovax, Covaxin at Moderna.
Inaasahang darating ito sa ikatlong quarter ng taong kasalukuyan, para ma-accommodate ang lahat ng mga taga Taguig.
“Today I received the first dose of the Sinovac vaccine together with other A1.5 government frontliners, senior citizens and adults with comorbidities. Vaccination is an important component of the Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate strategy. We must continue to work together as we transition to the new normal.”
Mayor Lino Cayetano
Ulat ni Archie Amado