Taguig City, nagpaalala tungkol sa vaping at smoking sa business establishments
Muling ipinaalala ng Taguig City, na sa ilalim ng Ordinance No. 15, Series of 2017, ay ipinagbabawal ang vaping at smoking sa business establishemnts maliban sa mga designated smoking area.
Ito ay upang manatiling smoke at vape-free ang lungsod.
May kaukulang multa na ipapataw sa mga hindi susunod dito, kung saan sa unang paglabag ay magmumulta ng isanglibong piso, at sa ikalawang paglabag ay tatlong libong piso.
Kapag paulit-ulit na ang paglabag ay limang libong piso na ang ipapataw na multa o pagkakulong na hindi hihigit sa tatlompung (30) araw.
Bukod dito, maaaring kanselahin o bawiin ang mga business permit (Mayor’s o Sanitary Permit) at Iicense to operate.
Ipinaalala pa ng lungsod, na ang pagsunod sa naturang ordinansa ay isang collective responsibility.
Para naman sa mga katanungan, reklamo, mungkahi, at tulong, ay maaring makipag-ugnayan ang publiko sa Smoke Free Task Force ng Taguig sa telepono bilang 0917 833 1327.
Michelle Baysa