Taiwan, nagshutdown na bago dumating ang Bagyong Krathon
Nagsara na ng mga tanggapan, mga paaralan at financial markets ang Taiwan bago pa dumating ang Typhoon Krathon, na batay sa forecast ay magdadala ng storm surges sa kabahaan ng baybayin at malalakas na mga pag-ulan.
Inabisuhan na rin ng mga kinauukulan ang publiko sa pangunahing port city ng Kaohsiung, na nasa landas ng mata ng bagyo, na manatili sa kanilang bahay at lumayo sa dagat, mga ilog at mga bundok, at nagbabala na maaaring maulit ang 1977 Typhoon Thelma na ikinamatay ng 37 katao at puminsala sa siyudad na may 2.7 milyong populasyon.
Waves splash as Typhoon Krathon approaches, in Kaohsiung, Taiwan October 1, 2024. REUTERS/Ann Wang
Ang Taiwan ay regular na tinatamaan ng mga bagyo, ngunit sa pangkalahatan ay tumatama ito sa bulubundukin at silangang baybayin na kakaunti lamang ang populasyon na nakaharap sa Pasipiko, ngunit si Krathon ay maglalandfall sa flat western plain ng isla.
Tinatayang tatama ito sa pagitan ng Kaohsiung at katabi nitong siyudad ng Tainan sa mga unang oras ng Huwebes, pagkatapos ay babagtas sa kanlurang baybayin patungo sa kabisera na Taipei, ayon sa Central Weather Administration (CWA).
Tourists watch the waves as Typhoon Krathon approaches, in Kaohsiung, Taiwan October 1, 2024. REUTERS/Ann Wang
Lahat ng mga lungsod at counties sa Taiwan ay nagdeklara na ng day off ngayong Miyerkoles, at isinara na ang kanilang financial markets, kinansela na rin ang kanilang domestic at international flights.
Ang bagyo ay humina na ngunit ang banta mula sa isang storm surge at malalakas na hangin at ulan ay namamalagi habang mabagal itong kumikilos patungo sa baybayin ng Taiwan, ayon sa weather administration.
Soldiers help prepare sandbags as Typhoon Krathon approaches, in Kaohsiung, Taiwan October 1, 2024. REUTERS/Ann Wang
Sinabi ng defense ministry ng Taiwan na nakastandby na ang mahigit sa 38,000 nilang mga sundalo.
Iniulat naman ng fire department na may 35 kataong nasaktan, karamihan ay mula sa mabundok na eastern county ng Taitung.