Taiwan President Tsai , bumisita sa Estados Unidos
Bumisita si Taiwan President Tsai Ing-Wen sa Estados Unidos.
Dumating sa New York ang Taiwan leader at nakatakda ring bumiyahe sa Central America kung saan makikipagkita sa mga lider ng Guatemala at Belize para talakayin ang diplomatic alliance.
Nagdulot ng pangamba nang paghihiganti ng China ang bisita ni Tsai kung makipagkita siya kay US House Speaker Kevin McCarthy.
Nagbabala naman ang Estados Unidos sa Beijing at nagpa-alala na huwag mag-overreact.
Sinalubong ng pro-Beijing protesters ang labas ng hotel na tinuluyan ni Tsai,habang grupo naman ng pro-Taiwan ang namataang nagwagayway ng kanilang banner sa parehong lugar.
Ang US trip ni Tsai ay kasunod ng desisyon ng Honduras na buksan ang diplomatic relations sa Beijing at iwanan ang Belie at Guatemala.
Noong nakaraang taon, nagdulot ng tensyon ang ginawang pagbisita ni dating US Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan, na tinapatan ng Beijing ng military drill sa paligid ng Isla.
Agence France Presse