Tamang nutrition at wellness, mahalaga sa healthy aging- ayon sa pag-aaral
May malaking maitutulong ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon upang maging malusog habang nagkakaedad o ang tinatawag na healthy aging.
Sa survey na isinagawa ng isang kilalang Global Nutrition company, kanilang itinanong kung ano ang kahulugan ng healthy aging, 78% ang sumagot na … pagiging physically active …71% naman ang sumagot na…yung walang chronic o acute ailments…67% ay pagkakaroon ng kakayahan na ipagpatuloy ang personal dreams at goals…76% naman mentally active and alert…at ang 63% ay sumagot na…hindi pabigat sa kanilang mga mahal sa buhay.
Samantala, sa pahayag ni Dr. Hamid Jan Bin Jan Mohamed, isang Nutrition expert mula sa Malaysia…ang pagtanda ay hindi maiiwasan, subalit maraming paraan at hakbang upang matamo ang healthy aging.
Sabi ni Dr. Mohamed…sa kasalukuyan, may dalawang salita na karaniwang nating sinasabi , ito ang nutrisyon at wellness.
Dr. Hamid Jan Bin Jan Mohamed, expert in nutrition and obesity:
“Why it is important? Because both of this will prevent diseases, you can be a millionaire CEO of the company but if you are not healthy that is no benefit you have all the money in the world but you can not eat cake because of diabetes you have all the money in the world you can not eat steak because you have heart problem the doctor thus discourage you to eat fatty foods …. but if you are healthy at old age your foundation is most stable.”
Dagdag pa ni Dr. Mohamed na mahalaga na sa murang edad ay nakakakuha ng tamang nutrisyon ang katawan upang sa pagtanda ay mababa ang panganib na dapuan ng ibat’ibang sakit .
Ulat ni Belle Surara