Tamang pag-aalaga ng kidney kapag diabetic

Mga kapitbahay, hello po! Isang kumplikasyon na kinatatakutan ng pasyenteng may diabetes ay ang diabetic nephropathy o pagkasira ng kidneys dahil sa diabetes.

Alam po ba ninyo sabi ni Doc Irma Antonio-Pilar, isang Internist, karamihan sa nagda-dialysis ay dahil sa diabetes, kaya talagang importante na mapangalagaan ang ating mga bato o kidneys.

Narito ang mga ibinigay niyang tips ….

  • Dapat ma-maintain ang blood sugar sa optimum range nasa less than 110 mg/dl at ang Hemoglobin AIC ay mababa sa 7 percent , maliban na lamang sa mga may comorbidity o elderly patient kung saan ang cut-off ay mas mataas. Kapag mataas ang ang blood sugar, tumataas ang panganib na magkaroon ng diabetic nephropathy.
  • Ayusin ang blood pressure kailangan ay mababa o nasa 130/80mmHg. Dapat normal ang blood pressure.
  • Hindi dapat na ipagwalang bahala ang ukol sa diet. Huwag kumain ng maaalat, processed foods, o matatabang pagkain. Iwasan din ang dagdag na patis, bagoong, asin. Uminom ng walong basong tubig araw-araw, maliban na lamang sa mga pasyenteng may problema sa puso o may kidney failure na, kung saan nililimitahan ang iniinom ng pasyente.
  • Uminom ng gamot ng regular. Sa mga pasyenteng may diabetes at high blood, karaniwang nirerestahan ng tinatawag na ARBs (Angiotensin receptor blockers) o Ace inhibitors gayang lozartan , captopril , etc., ang mga ito ay napatunayan sa mga pag-aaral nakapagpapababa sa mataas na pressure ng dugo at napipigilan ang stroke, heart attacks at kidney problems.
  • Bawasan ang stress sa katawan. Ang long-term stress ay nagpapataas ng blood sugar at bp levels. Mabuting maglakad, mag-exercise, mag deep breathing, gardening or anything na
    enjoy ninyong gawin para mabawasan ang stress.
  • Magpa eksamin, magpa-laboratory para makita kung may diabetic nephropathy. Ang mga eksaminasyon gaya ng urinalysis (dito makikita kung may protina, infection), at ang simpleng creatinine level, magmonitor ng blood sugar. At may eksaminansyon na kung tawagin ay GFR kung saan nakikita kung ano na ang lagay ng kidney o pag function nito.
  • Magbawas ng timbang
  • Iwasan ang pag-inom ng alak
  • Iwasan ang paninigarilyo
  • Iwasan din ang pag-inom ng non prescription pain reliever gaya ng diclofenac, nafroxen, mefenemic acid. Kapag ininom ang mga nabanggit sa mahabang panahon maaaring makaapaekto sa kidney. Kaya bago uminom ng anumang gamot dapat ay kumunsulta muna sa inyong duktor.
    O ayan mga kapitbahay, mahalang matandaan po natin ito, at salamat kay Dr. Irma Pilar. Until next time !

-30-

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *