Tamang posisyon sa pagtulog, dapat alam ng isang taong may karamdaman-ayon sa pag-aaral
Ang tamang posisyon sa pagtulog ay may malaking maitutulong umano sa mga taong nakararanas ng karamdaman upang maging mahimbing ang tulog.
Ayon sa mga pag aaral, kung nakararanas ng Hyperacidity o Acid reflux, mainaw daw na matulog ito sa kanyang kaliwang side (side sleeper), makatutulong daw ito upang mabawasan ang sakit ng sikmura lalo na kung sa hating-gabi o madaling araw ito naranasan.
Kung malakas namang humilik ang isang tao, sleep on your sides, puwedeng left o right side, at malaking bawas ito sa lakas ng paghilik.
Pag may sakit sa puso naman (congestive heart failure) o baga (emphysema, asthma o bronchitis) mas maginhawang matulog ng nakatihaya (back sleepers) na may mataas na unan. Mga dalawa o tatlong unan ang taas.
Pag masakit ang batok dahil sa arthritis o stiffed neck maiging matulog ng nakatihaya ngunit iwasan ang pag gamit ng unan sa likod ng ulo.
Maaaring gumamit ng nirolyong tuwalya upang suportahan ang batok.
Kung laging dumidighay at kinakabag, lalo na at sa gabi ito naramdaman mainam na matulog ng nakadapa.
Stomach Sleeper ang tawag dito.
Ulat ni Belle Surara