Tambalan nina Senador Ping Lacson at SP Tito Sotto sa eleksyon sa 2022, pormal nang ini- anunsyo
Inianunsyo nina Senador Ping Lacson at Senate president Vicente Sotto ang kanilang kandidatura sa eleksyon sa 2022.
Ang announcement para sa presidential at vice presidential bid ay ginawa sa pamamagitan ng isang taped program na ipinalabas sa mga major TV network at iba’t ibang social media platforms.
Sa kanilang talumpati , sinabi nina Lacson at Sotto na pangunahin sa kanilang tutugunan ang problema sa pandemya , pagtutuwid sa kamalian ng gobyerno sa COVID response at pagtatanggol sa mga teritoryong pag-aari ng Pilipinas.
Kailangan rin aniyang mahinto na ang talamak na korapsyon sa gobyerno na ginawa na raw negosyo ng mga tiwaling nakaupo sa pamahalaan.
Para sa mga Senador , sapat na ang mahabang panahon sa public service para gampanan ang magiging trabaho sa ehekutibo.
Gumagawa na raw sila ng roadmap na magsisilbing plataporma sa gobyerno sakaling sila ang maitalaga sa pwesto.
Meanne Corvera