Tambalang BBM-Inday Sara muling nanguna sa mga poll survey
Patuloy na nangunguna ang mag running mate na sina dating Senador Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte sa presidential at vice presidential survey na ginawa ng Publicus Asia Inc.
Sa 4th quarter survey mula December 6 hanggang 10,2021, 51.9% sa 1,500 respondents ang nasabi na si Marcos ang nais nilang maging pangulo.
Pangalawa naman si Vice President Leni Robredo na may 20.2%; Manila Mayor Isko Moreno na may 7.9%; Senador Bong Go na may 3.9%, Senador Ping Lacson na may 3.4%. at Senador Manny Pacquiao na may 2.3%.
Sa vice presidential candidates naman, 54.8% ang nagsabi na si Mayor Sara ang nais nilang maging Vice President.
Nasa ikalawang pwesto naman si Dr. Willie Ong na may 11.2%; Senate President Vicente Sotto III na may 11.0%; Senador Kiko Pangilinan na may 9.7%; Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na may 1.5, at Walden Bello na may 0.7%.
Sa ginawa namang Nationwide Pre-election survey ng isang radio station, nanguna rin ang tambalang BBM-Sara.
Sa ginawang survey mula December 11 hanggang 12, nanguna sa mga kandidato sa pagka-presidente si Marcos na nakakuha ng 49.2%.
Sumunod naman si Robredo na may 16.2%; Moreno na may 10.4%; Pacquiao na may 8.2%; Go na may 5.8%; at Lacson na may 4.9%.
Sa Vice Presidentiables, si Mayor Sara parin ang nanguna na may 50.5%.
Sinundan ni Sotto na may 20.7%; Pangilinan na may 10.2%; Ong na may 8.4%; Atienza na may 2.2%; at Bello na may 7.2%.
Madelyn Moratillo