Tambalang Sotto-Lacson, posibleng hindi sumipot sa Comelec debate
Posibleng hindi na sumipot sa huling Presidential at Vice presidential debate ng Comelec ang tambalan nina Senador Ping Lacson at Senate President Vicente Sotto.
Ayon sa mga Senador, may nauna na kasi silang schedule na hindi sa Masbate, Catarman at Borongan,Samar sa April 30 na hindi na maaring ipagpaliban.
Dismayado sina Lacson at Sotto bakit nagpalit ng contractor ang Comelec at ipinagpaliban ito isang araw bago ang debate.
Nanghihinayang si Sotto dahil marami raw sana siyang isyung gustong ipasagot at hindi nagawa ng kanilang mga kapwa kandidato.
Giit naman ni Lacson, kailangan nilang samantalahin ang pagkakataon dahil 17 araw na lang ang kampanya at mag-eleksyon na.
Ang tambalan nina Lacson at Sotto ay nagsagawa kanina ng dayalogo sa mga taga Antipolo nag- courtesy call din sila kina Rizal gobernatorial candidate nina Ynarez at Antipolo mayoralty candidate Jun Ynarez na kapwa kapartido ni Sotto sa Nationalist Peoples Coalition.
Meanne Corvera