Tanggapan ng punong lalawigan ng Zambales, namahagi ng wheelchair at tungkod
Namahagi ang tanggapan ng punong lalawigan ng Zambales ng mga wheelchair at tungkod.
Nakinabang dito ang mga taga Zambales na nahihirapang maglakad at hirap nang makatayo dahil sa iniindang karamdaman.
Sa pamamagitan ni Gov. Hermogenes Ebdane, Jr., ay tinugunan ng tanggapan ng punong lalawigan ang kahilingan ng mga ito na magkaroon ng wheelchair at tungkod.
Sa pangunguna ni provincial administrator Jun Omar Ebdane, personal na inihatid sa kanilang tahanan ang mga kagamitang pang medikal.
Lubos namang pinasalamatan ng mga benepisyaryo ang ibinigay sa kanilang wheelchair at tungkod..
Ulat ni Jeremy Mayo
Please follow and like us: