Tangkang asasinasyon sa Madagascar President, napigilan ng mga awtoridad
Napigilan ng mga awtoridad ang tangka umanong asasinasyon kay Madagascar President Andry Rajoelina.
Sinabi ni Prosecutor Berthine Razafiarivony na naaresto ang ilang Foreign at Madagascar nationals kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa aniya’s pag-atake sa kanilang state security.
Aniya, batay sa kanilang hawak na ebidensya, ang mga naaarestong indibidwal ay gumawa ng plano para ma-eliminate at ma-neutralize ang ilang Madagascan figures, kabilang na ang kanilang head of state.
Hindi naman niliwanag ng opisyal ang detalye ng nasabing assassination attempt .
Kinumpirma naman ni Public security minister na ang anim na naaresto ay kinabibilangan ng isang dayuhan , dalawang dual nationals at tatlong Madagascans.
Ayon naman sa Diplomatic sources, dalawa sa mga naaresto ay french nationals na pawang retired military officers.
Agence France – Presse