Tara, punta tayo sa Siquijor!
Mga kapitbahay, magpunta muna tayo sa Siquijor!
Teka, nasaan ba ang Siquijor?
Paano ba ang pagpunta roon?
Mahal o malaki ba ang magagastos?
Ano ba ang puwedeng puntahan doon?
Ang dami nating tanong, sige, ang pasasagutin natin ay tagaroon mismo, si Mr. John Ray Bado, a.k.a The Siquijorian Traveler, at ito ang sagot niya sa ating mga katanungan …..
Matatagpuan ang Siquijor sa Central Visayas, ang kalapit na mga lalawigan ay Cebu, Negros at Bohol, nasa Region 7.
Makararating sa Siquijor via air at barko bagaman walang direct flight kaya dadaan muna sa Dumaguete City.
At mula sa Dumaguete City, may boat or RoRo (Roll-on, Roll-off) papuntang Siquijor na ang biyahe ay 45 minutes-one hour.
Sabi pa ni John, maraming maipagmamalaki ang kaniyang lalawigan.
Bagaman maliit lamang na isla ang Siquijor pero sadyang napakaganda lalo pa nga’t napapalibutan ng nakabibighaning white sand beaches. Kaya pagdating mo pa lamang sa pantalan, ang masasabi mo ay ‘wow ‘!
Kung gusto mo ay malinis at clear beaches, dito mo makikita sa Siquijor.
Sabi pa ni John, hindi ka gagastos nang malaki sa pagpunta sa Siquijor, dahil perfect ito for travelers or tourist na nagtitipid.
Isa pa, mura ang mga bilihin na hindi naman nakokompromiso ang kalidad ng produkto.
Ang resort ay affordable o abot-kaya at maganda ang amenities.
Marami din naming hotel at dorm type para sa mga budget traveler.
At dahil maliit lang ang island, puwede mo siyang libutin sa loob ng isang araw.
Ang karaniwang ginagamit ng travelers ay umuupa ng motor (P400), at maiikot na ang isla.
Aside form the white sand beaches, marami ding cascading waterfalls (talon).
Ang isa sa pinakasikat ay ang Cambugahay falls, na ilang beses na ring nai-feature.
Siyanga pala ang tawag sa mga taga Siquior ay Siquijodnon, sakaling gusto ninyong malaman.
O ayan mga kapitbahay, simulan na nating mag-ipon at explore natin ang Siquijor!