Tara sa BOC, payola sa BIR ayon kay Rep. Umali

Kung talamak ang katiwalian sa Bureau of Custom, mas malala ang anomaliya sa Bureau of Internal Revenue.

Ito ang sinabi ni Mindoro Oriental Cong. Reynaldo Umali sa gitna ng imbestigasyon ng House Ways and Means Committee sa Tax settlement para sa del Monte Philippines.

Ayon kay Umali,  kung tara ang tawag sa bigayan ng suhol sa BOC,  payola naman ang sa BIR.

Ang payola ay ang naibibigay umano sa mga opisyal ng bir kapag may naisasarang tax settlement o compromise sa malalaking kumpanya o korporasyon na may malaking tax liability.

Base sa nakuhang impormasyon ni Umali,  umaabot sa Commissioner’s office ng BIR ang payola.

gayunman,  hindi niya masabi kung sangkot dito ang kasalukuyang Commissioner na si Cesar Dulay dahil bago pa lamang ito sa posisyon.

Ipinasusumite ni Umali sa Kamara ang records ng mga tax settlement na pinasok ng BIR sa mga large taxpayers mula 2007 hanggang sa kasalukuyan.

Sa kaso ng del Monte, 65 million pesos o wala pang isang porsiyento ang pinabayarang buwis ng BIRsamantalang ang tax liability nito ay 8.7 billion pesos, bagay na pinagdududahan ng mga kongresista.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *