Target collection ng NTC para sa 2022 lumagpas sa 70%
Ipinagmalaki ng National Telecommunications Commission (NTC) na nalagpasan na nila ng 70.21% o katumbas ng P3.9 bilyon ang kanilang target na koleksyon para sa 2022.
Ang target ng NTC para sa 2022 ay 5.58 bilyong iso, pero ang nakolekta ay P9.5 bilyon.
Ayon kay NTC OIC Commissioner Ella Blanca Lopez, malaking ambag rito ang kanilang mga empleyado.
Ang tagumpay aniya ng NTC ay sama-samang pagsisikap ng kanilang mga tauhan upang mahigpit na maipatupad ang pagtalima ng stakeholders sa pagre-remit ng spectrum users’ fees, supervision and regulation fees at penalties.
Ang NTC ay ahensya ng gobyerno na may mandato para i-regulate ang cable at commercial television operators, broadcast radio stations, telecommunications companies at commercial and portable radio operators.
Madelyn Moratillo