Target collection ng NTC para sa 2022 naabot na
Ipinagmalaki ng National Telecommunications Commission na naabot na nila ang kanilang 2022 collection target, ilang buwan bago matapos ang taon.
Para sa taong ito, ang itinakdang collection target ng Development Budget Coordination Committee ng NTC ay P5.58 billion, pero hanggang nitong Setyembre 27, pumalo na sa P6.63 billion ang kanilang actual collection.
Naniniwala si NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na malaking tulong rito ang sistematikong collection ng ahensya.
Kinilala rin ni Cordoba ang kontribusyon ng mga empleyado ng NTC.
Pinasalamatan din nito ang Department of Information and Communications Technology sa suporta sa kanila.
Ang NTC ay ang ahensya ng pamahalaan na nagre-regulate sa cable at commercial television operators, broadcast radio stations, telecommunications companies at commercial at portable radio operators.
Madelyn Villar-Moratillo