Target na 6 to 7 percent Economic growth, hindi maaabot ng bansa ngayong taon – Malakanyang
Hindi kinontra ng Malakanyang ang forecast ng World Bank na aabot lamang sa 4.7 percent ang Economic growth ng Pilipinas ngayong taon.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hindi na maaabot ng bansa ang target na 6 to 7 percent economic growth dahil sa epekto pa rin ng COVID 19 Pandemic.
Ayon kay Roque nakaapekto sa economic growth forecast ng pamahalaan ang pagbabalik ng Enchanced Community Quarantine at Modefied Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region kasama ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal noong Marso at Abril.
Inihayag ni Roque na dahil sa pag-iral ng ECQ at MECQ sa NCR Plus maraming negosyo ang naapektuhan na nagresulta sa pagkawala ng trabaho kaya bumagsak ang ekonomiya ng bansa sa second quarter ngayong taon.
Umaasa naman si Roque na makababawi ng bahagya ang ekonomiya ng bansa sa third quarter dahil sa patuloy na pagdating ng mga anti COVID 19 vaccine kung saan naumpisahan nang mabakunahan ang mga economic frontliner.
Vic Somintac