Target na population protection nakamit na ng Mandaluyong city
Natapos nang bakunahan ng Mandaluyong city ang isandaang porsyento ng adult population nito laban sa COVID-19.
Ayon kay mandaluyong Mayor Menchie Abalos , nakamit na nila ang matapos mabigyan ng COVID-19 vaccine ang may 325,188 ng mga indibidwal.
Ang mandaluyong ay may kabuuang populasyon na 464,467 habang ang kailangang bakunahan ay 70 percent o 325,127.
Ang kailangan na lang aniya ay tapusin ang second dose ng may limang libong mga senior citizens.
Sinabi ng alkalde na naging mabilis ang kanilang vaccination roll out sa tulong ng mga pribadong kumpanya at mga residente ng Mandaluyong.
Meanne Corvera
Please follow and like us: