Taripa mula sa imported na baboy gamitin sa paglaban sa ASF – Senador Pangilinan
Isinusulong ni Senador Francis Pangilinan na gamitin ang makokolektang buwis sa mga aangkating imported na baboy para tulungan ang local hog industry na matinding hinagupit ng african swine fever.
Naghain na si Pangilinan ng Senate bill 2176 o Affordable pork act of 2021 na layong lumikha ng Swine Competitiveness Enhancement Fund.
Ang buwis na makokolekta, maari raw gamitin para sa pagbibigay ng subsidy para sa pagta transport ng mga baboy mula sa malalaking mga farm patungo sa merkado, pagpapautang at insurance ng mga magba baboy.
Sa kasukuyan kasing datos, aabot na sa mahigit animnaput walong libong mga hog raisers na ang apektado ta mga industriyang may koneksyon sa baboy kung saan aabot na sa mahigit isandaang bilyong piso ang nalulugi dahilan kaya nagdeklara na rin ng State of calamity ang Pangulo.
Sa panukala, popondohan ang SCEF mula sa mga duties na makokolekta sa pork importation para sa susunod na anim na taon na ilalagay sa Special Account sa general fund.
Maaring palawigin ito batay sa rekomendasyon ng Congressional Oversight Committee on Agricultural and Fisheries Modernization.
Sinabi ni Pangilinan kapos ang pondo ng Department of Agriculture para tulungan ang mga apektadong hog raisers.
Katunayan noong 2020, umabot lang sa 2.7 billion pesos ang inaprubahang budget ng Kongreso para sa livestock ng DA mula sa kanilang panukalang 8.5 billion habang 3 billion ngayong taon samantalang ang kanilang proposal ay aabot sa 12.83 billion.
Para matiyak naman na magagamit ng tama ang pondo, inoobliga ang DA at iba pang ahensya na regular na magsumite mg detalyadong report kung saan nagamit ang Swine Competitiveness Enhancement Fund.
Meanne Corvera