Tarlac City Health Office, humakot ng parangal mula sa DOH-Region 3

DOH logo

Courtesy of Wikipedia

download
courtesy of wikipedia.org

Humakot ng parangal ang mga opisyal ng Tarlac City Health Office sa katatapos na Central Luzon exellence awards for health 2016 ng Department of Health – Region 3.

Kabilang sa mga nakuhang  award ng Tarlac City Health Office ay ang outsanding performane on dengue school-based immunization first round, in more than 4,000 enrollees, garantisadong pambata champion, consistent for deworming at ang National search for barangay with best santiation practices kung saan ang barangay Balanti ang napili.

Dahil dito tumanggap ang nasabing barangay ng 150,000 pesos.

Sina Dra. Carmela Go, City Health Officer  at Leandro Ibarra ang nanguna sa pagtanggap ng mga nasabing parangal para sa Tarlac na ginanap sa Royce Hotel sa Clark Freeport Zone.

Kasabay ng nasabing okasyon ay ang paglagda ng Memorandum of Agreement o MOA ng ibat-ibang alakalde o munisipalidad sa buong CentralLluzon hinggil sa suporta ng mga Local Government Unit sa health facilities enhancement program ng DOH.

Tiniyak naman ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles na mas lalo pa nilang pag iibayuhin ang pagsuporta sa mga proyektong pangkalusugan sa lungsod.

Bilang katunayan,  magtatayo ang lokal na pamahalaan ng libreng botika sa bawat barangay na planong maisakatuparan sa susunod na buwan.

 

Ulat ni: Aida Tabamo     

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *