‘Tarzan House’ ng Acapulco, winasak ng Hurricane Otis
Ang sinasabing simbolo ng “glory days” ng Acapulco, ang iconic hotel at clifftop villa ng namayapa nang “Tarzan” star na si Johnny Weissmuller ay winasak ng Hurricane Otis.
Ang bahay ang huling address ng “King of the Jungle” hanggang sa siya ay pumanaw noong 1984 sa edad na 79. Ito rin ang naging hideout para sa international jet-setters na dating dumadagsa sa Mexican resort city.
An undated picture of US swimmer turned actor Johnny Weissmuller diving into the swimming pool of the French ocean liner Normandie (AFP)
Ang pagkabighani ni Weissmuller sa Acapulco ay nagsimula sa shooting ng 1948 movie na “Tarzan and the Mermaids” – ang huling paglabas ng dating Olympic swimming champion sa papel na Tarzan, ang batang pinalaki ng mga gorilya sa kagubatan.
Sa isang hindi malilimutang eksena, ang karakter ni Weissmuller ay tumalon sa Pasipiko mula sa pamosong “La Quebrada” rock ng Acapulco.
Sa nakalipas na mga dekada, pinahangan ng daredevil cliff divers ang mga turista sa pamamagitan ng paggaya sa 35-meter (115-foot) leap na ginawa ng aktor.
Kasama ng kaniyang kaibigan at kapwa Hollywood actor na si John Wayne, binili ni Weissmuller ang Flamingos hotel na naging takbuhan ng mga bituing gaya nina Elizabeth Taylor, Orson Welles at Errol Flynn, kapag nais nilang takasan ang mga paparazzi.
The ‘Tarzan’ actor bought the Flamingos hotel with fellow Hollywood star John Wayne (AFP)
Habang siya ay nagkaka-edad, si Weissmuller ay nagpatayo ng bahay sa bandang ibaba ng hotel na malayo sa ingay, kung saan niya ginugol ang mga huling taon sa kaniyang buhay.
Kilala rin bilang “Round House,” sinasabing ang disenyo ng bahay ay base sa mga kubo sa isa sa kaniyang mga pelikula.
Noong Oktubre 25, ang kulay fuchsia na villa at hotel ay winasak ng Hurricane Otis, na nag-iwan ng bakas ng pinsala, hindi bababa sa 46 na taong patay, at dose-dosenang hindi pa nakikita.
Sinabi ni Flamingos hotel manager Victor Manuel Hernandez, “It knocked down trees and shattered windows. As for Tarzan’s house, it’s totally destroyed.”
Sa kabuuan, 274,000 mga bahay at 600 mga hotel ang naapektuhan ng Category 5 hurricane – isang malaking kalugihan sa siyudad na may 780,000 mga naninirahan na lubhang umaasa sa kita mula sa turismo.
Nang kasikatan pa nito noong 1950s at 60s, ang tinaguriang “pearl of the Pacific” ang playground ng mga sikat at mayayaman.
Weissmuller had a house built in the hotel grounds where he spent his final years (AFP)
Si John F. Kennedy at asawang si Jacqueline ay doon nag-honeymoon, habang ang tabing-dagat nito ay naging inspirasyon ng dose-dosenang mga pelikula gaya ng “Fun in Acapulco” na pinagbibidahan ni Elvis Presley, na ni minsan ay hindi nakarating sa naturang siyudad, dahil ang shooting ay ginawa sa California.
Simula 2000s, ang Acapulco ay nabalot ng mga karahasang may kinalaman sa drug trafficking, sanhi upang matakot ang mga turista.
Sa ngayon, sampu na lamang mula sa 40 Flamingos hotel employees ang nakabalik sa kanilang mga trabaho dahil sa pagkaantala ng transportasyon sanhi ng Hurricane Otis.
Ayon kay Hernandez, “The situation is sad. But we have to be positive.”
Samantala, nangako ang gobyerno ng isang $3.5 billion recovery plan upang muling makabangon ang Acapulco.